10 Tips Para Makatipid sa Groceries

Masayang mag-grocery sa supermarket, pero challenge sa iba ang magstick sa budget dahil sa dami ng choices. Madaling ma-distract along the aisles at in the end ay maraming nasasama sa cart na wala naman sa initial list mo. Kaya importanteng magplano nang maayos at mag-stick sa budget para maiwasan ang mga ganitong sitwasyon. Paano?

Ang Cashalo ay may easy tips para maging wais na mamimili at makatipid sa grocery shopping.

  1. Maghanda ng meal plan

Malaking parte ng grocery shopping ang pagkain para sa pamilya–katulad ng iba’t-ibang karne, gulay, ingredients, at condiments na kailangan sa pagluluto. Isang tip para sa malaking pagtipid? Plan ahead. Gumawa na ng meal plan para sa pamilya nang maaga, kahit one week ahead, para malaman ang mga kailangan mong bilhin. Dito mo din matatantsa kung magkano ang dapat na budget mo. 

  1. Gumawa ng grocery list

Ilista ang mga ingredients na kailangan mula sa ginawang meal plan at dito mo makukuha ang iyong grocery list. Pag may listahan ka ay hindi ka dali-daling madidistract dahil malinaw ang kailangan mo. Maging disciplined shopper at stick to your list. Huwag bumili ng items na wala sa budget.

  1.    Buy generic

I’m sure pamilyar ka sa mga commercial kung saan pinopromote ang mga generic brands over specific brand names sa pagbili ng gamot. Ganun din for grocery items: may generic brands na mas mura. Halimbawa, puwede kang bumili ng itlog sa palengke imbis na sa supermarket. Kung wala naman pagkakaiba sa quality, ‘dun ka na sa mas makakatipid ka.

  1.   Compare prices

Comparing prices is the only way to shop kung gusto mong mag-stick sa budget mo. Siyempre, ‘dun ka lagi sa mas makakamura ka. Pero, cheapest doesn’t mean the best—dapat balanse rin sa pagpili ng bilihin. Kung may budget ka, dun ka sa affordable pero quality pa rin. Dito nakalalamang ang mga wais na mamimili.

  1. Look up and down

Wais ka ‘pag masipag kang mag-ikot at maghanap ng items na pasok sa budget. Minsan, ‘yung mga mas murang items ay nasa pinakataas na shelf o dun sa pinakamababa. Tandaan: ang mga premium items ang kadalasang naka-display sa eye level, kaya mabuting suriin nang mabuti ang grocery shelves.

  1. Take advantage of coupons

Maraming namimigay ng coupons sa supermarket para mang-attract ng customers. Makakahanap ka rin nito sa newspapers at magazines. Tried and tested formula na ito ng mga supermarket para i-encourage and customers na mag-shopping. Pero ngayong online na halos lahat ng transactions, ang coupons ay in the form of discount or promo codes. Kahit ano pa ito, ang less P10 sa isang item, ‘pag kinuha mo yung total, malaki rin ang matitipid mo.

  1. Alamin ang what’s in season

Maraming prutas at gulay ang seasonal lang at kapag in season siya, mas mura at high-quality sila. Puwede kang mag-isip ng meal plan gamit ang seasonal ingredients na ito. Makakatipid ka na, mas masarap pa ang mga maihahain mo.

  1. Mag sign-up for rewards programs

Maraming supermarkets ang may rewards programs na puwede kang mag sign-up for free or with low registration fee. Kung frequent shopper ka sa grocery store or supermarket na ‘yon, it’s always a good idea to join. Ipunin mo ‘yung points para ma-redeem mo—maaaring makakuha ka ng discounts, libreng grocery items, at exclusive deals.

  1. Eat first bago mag-shopping

Mahirap kalabanin ang gutom, kaya hindi magandang idea ang pagpunta sa supermarket nang gutom. Mas matatakam ka sa lahat ng mga pagkain na nasa harap mo. Mas lalo kang mae-encourage na kumuha ng items at pagkain na wala sa grocery list at lagpas sa budget mo.

  1. Shop once a week or twice a month

Minsan, akala natin, mas malaki ang gastos kapag madalas mag-grocery. Pero kahit naka-plano ang menu ng pamilya mo at may detalyadong listahan ka pa, kung madalang ka naman mag-grocery, ang tendency ay maghohoard ka kapag nag-shopping ka. So, the best strategy is once a week grocery shopping.

Kapag nasanay ka nang mag-shopping every week, pwede mo nang i-stretch out to twice a month, para ma-schedule mo ang pag-shopping after payday.


Conclusion

Malaki mang parte ng budget natin ang grocery shopping, maraming paraan para mas maging wais na mamimili.

Pero kung kulangin man sa budget, you can always turn to online lending in the Philippines. Puwede kang makahiram ng extrang pang-grocery sa CashaQuick ng Cashalo. Isang valid I.D. lang ang kailangan mo para makapag-apply ng loan – ganon kabilis! Hindi ka na kakapusin every time pupunta ka sa supermarket to refill your cupboards and fridge.