4 Budget Baon Ideas Your Kids Will Love

Sa dami ng responsibilidad mo bilang magulang, natural lang na maubusan minsan ng inspirasyon o ideas sa mga ihahanda mong baon para sa iyong anak. Bukod pa doon, hindi natin maikakaila na minsan ay may kamahalan ang mga ingredients sa grocery store. Syempre, gusto natin ng healthy meals pero masarap, para maging simot na simot ang baon na inihanda mo!

Alam ng Cashalo kung gaano kahirap makuha ang balance between yummy at budget-friendly. Kaya naman bilang iyong kasalo sa buhay, bibigyan ka namin ng mga financial tips at baon ideas na siguradong ikatutuwa ng anak mo. Ituring mo na rin itong fun challenge para sayo sa kusina dahil may mga bago kang meals na matututunang lutuin!

 

1. Barbecue Chicken Fried Rice

(Image source: Yummy PH)

Madali lang gawin ‘to! Maggisa lang ng barbecue sauce, chicken bits, at fried rice para makagawa ng simple pero masarap na baon. Ang mas okay dito, pwede ka rin gumamit ng leftover barbecue sauce mula sa mga nakaraang ulam niyo dahil hindi ito mabilis mapanis. Lagyan ng konting herbs at spices na pang-garnish sa ibabaw, at tapos ka na! Mura lang din ang ingredients nito, pumapatak sa less than P80. Pwedeng pwede!

2. Lunch Box Medley

(Image source: NewsGraph)

Pwede ka ring gumawa ng mga themed lunch para maging mas cute ang baon ng anak mo! Magandang example ang orange, tomatoes, luncheon meat at rice. Magiging main dish dito ang luncheon meat. Para hindi agad maubos ang canned goods, maari mong hiwain ito nang maliliit. Hindi rin mauumay ang bata sa lasa dahil merong side dish na orange at kamatis. Sa ganitong paraan, makakakain ang anak mo ng balanced meal—merong prutas, kanin, at ulam. Refreshing pa ang lasa! Tipid na rin sa budget na nasa less than P90 per serving lang.

3. Pinwheel Bites

(Image source: Yummy PH)

Snacks lang ba ang kailangang ibaon sa school? Meron din kaming ideas para diyan. Ang pinwheel bites ay pinagandang version ng ham and cheese sandwich at madali lang itong gawin dahil wala masyadong kailangang lutuin. Kaysa ihain mo ito na parang regular sandwich, hiwain ang bread, ham, at cheese hanggang maging bite-sized ang sukat. Tapos, i-layer mo ang mga palaman sa tinapay. Roll them up, at tapos na siya! Nakagawa ka na ng mas cute na sandwich nang walang extra gastos. Nasa P25 pababa lang ang paggawa nito, at nakakabusog pa!

4. Corned Beef Balls 

(Image source: Joybites)

Last but not the least, meron ding tinatawag na corned beef balls. Para maiba naman ang paghanda mo ng corned beef sa iyong anak, pwede mo siyang gawing meat balls. Maaari mong gamitin ang kahit anong brand na inyong nakasanayan, tapos lagyan ito ng egg wash at budburan ng bread crumbs. Pagkatapos nito, ready na sila i-deep fry.

Pwede ka ring mag-experiment sa dip, tulad ng ketchup o gravy, para magkaron ng panibagong pandagdag na lasa. Last but not the least, pwede mo rin itong bagayan ng side vegetables para sa kumpletong nutrients. Lahat ng ingredients na ito ay posibleng meron ka na sa bahay! Naglalaro sa P90 pababa din ang presyo ng isang serving, kasama ang rice. 

O diba? Kailangan lang ng konting creativity para malagyan mo ng twist ang baon ni Junior. Hindi mo na kailangan pang gumastos nang malaki para mabigyan siya ng healthy at masarap ng baon.

 

Mas Pagandahin ang Baon ni Chikiting!

  • Maglagay ng bright colors – Exciting sa mga bata ang kahit anong makukulay at maganda sa paningin. Nakakadagdag ito sa experience nila ng pagkain ng baon, at ma-aappreciate din nila ang effort mo na pabonggahin ang kanilang pagkain. Ang simpleng pagdagdag ng mga makukulay na side dish, tulad ng oranges, saging, mais, o di kaya mga colored sticks, kakaibang design ng baunan, at iba pa ay malaking tulong na para mas maging interesado ang anak mo sa baon nila!

(Image source: Redtri.com)

  • Manood ng bento box tutorials – Maraming mga bento box tutorials online na nagtuturo sa mga nanay na maghanda ng kanin at mga ulam na kahawig ng mga cartoon characters sa TV. Sa una, akala mo mahirap, pero pag nakagawa ka na ng isa, makikita mong mag-eenjoy ka! Pwede niyo rin itong gawing bonding time ng iyong anak. Tanungin ang inyong chikiting kung sinong cartoon character ang gusto niyang makita sa school next time para madagdagan pa ang inyong baon ideas.

(Image source: tarasmulticulturetable.com)

  • Gumamit ng mga accessories – Lahat ng kailangan mo ay nasa bahay mo na! Kailangan mo na lang alamin kung papano sila gamitin. Pwede kang gumamit ng mga barbecue stick, ice cube tray, leafy greens, colorful Tupperware, at iba pa para mas maging unique ang presentation ng baon ng anak mo. Hindi mo na kailangan pang gumastos ng extra!

(Image source: kangovou.com)


Ang nutrisyon ng inyong anak ay sarili ninyong responsibilidad. Patuloy lang na mag-experiment ng mga nakaka-engganyong baon na hindi lang mukhang masarap, pero totoong masarap!

Medyo kulang ba sa budget? Madali lang solusyonan yan! Kung kailangan niyo ng extra cash agad, gamitin lang ang CashaQuick ng Cashalo. Mabilis lang ang approval at mababa pa ang interest rates. Enjoy lang sa kusina, at wag kalimutang kausapin ang mga bata kung ano ba ang mga gusto nilang kainin. Teamwork din ang pagbabaon!


READ THIS NEXT:

6 Easy-to-Make Merienda Housewives Can Sell for Extra Income

Top 5 Money Priorities Parents Must Have Today