4 Must-Have Kitchen Appliances and How to Afford Them

Maraming pamilyang Pilipino ang pinipiling mag-bonding sa hapag-kainan. Kaya naman pagdating sa pagluluto, hindi lang ang quality ng ingredients and tinitignan ng karamihan, kundi pati na rin ang kitchen appliances na kailangan para makapagluto ng masasarap na dishes—mula almusal hanggang hapunan.

Alam natin na may mga kagamitang pang-kusina na sadyang hindi talaga abot-kaya. Ngunit, totoo rin naman na hindi mo kailangang bumili ng mahal, lalo na kung sa tingin mo ay hindi ito sulit na investment. Pumili ka lang ng appliance na swak sa iyong pangingilangan, at bilhin lang ng mga appliances na alam mong makakatulong sa iyo na makatipid sa mga susunod pang taon.

Ang mga sumusunod ay must-have kitchen appliances at ilang paraan kung pano pumili at bumili ng base sa iyong pangagailangan at budget, kailangan mo mang kumuha ng appliance loan o hindi.

1. Induction Cooker or Gas Stove/Range 

Ang pinakamahalagang appliance na kailangan mo sa iyong kusina ay stove o induction cooker. Kung nais mong makatipid sa araw-araw na gastos sa pagkain, pinakamainam nga ang magluto at kumain na lang sa bahay. Ayon sa ilang mga pag-aaral, 5x more expensive ang pagkain sa labas o ang magpa-deliver.

Sa ngayon ay may choice ka na kumuha ng induction cooker o gas stove. Ang gas stove o range ay ang mas common na type na ginagamitan ng LPG. Kung mas gusto mong gumamit ng nakasanayan mo na, kalan ang choice na para sa’yo.

Ngunit, kailangan mong i-consider na kailangan din ng gas line para dito. Ang pagpapa-install nito ay, of course, additional na gastos. Ang magandang balita ay karamihan sa mga kaldero at kawali na binibenta ay pwedeng gamitin sa mga kalan, at malamang ay meron ka na ng mga ito sa iyong kusina.

Pagdating sa efficiency naman ay mas lamang ang induction cookers. Bukod sa kailangan mo lang itong isaksak sa outlet, hindi na nito kailangan ng gas na dagdag-gastos din kapag naubos na. Efficient din ito dahil mas mabilis nitong naluluto ang pagkain. At dahil walang open fire, walang posibilidad ng sunog o paso. Kailangan mo nga lang pumili ng tamang klase ng cookware na induction-compatible.

Recommendations:

2. Refrigerator

Hindi na nakakagulat na ang refrigerator ang isa sa appliances na pinakamalaki ang nakokonsumong kuryente dahil kailangan itong panatilihing bukas. Kung lumang modelo na ang ginagamit mong ref, malaki ang tyansa na mas malaki rin ang nakokonsumo nitong kuryente.

Ang mga bagong ref ay considered na mas energy efficient dahil sa bagong technology na nag-improve sa kakayanan nitong magpalamig ng hindi gumagamit ng malaking kuryente.

Isa pang dahilan ang laki ng sukat nito. Kung hindi naman kayo marami sa bahay, mas maigi na bumili ng ref na may laking angkop lamang sa iyong tahanan. Mas mataas ang wattage ng malalaking ref, kaya naman mas malaki rin ang kuryente na babayaran mo kapag ito ang binili mo. Mahalagang mag-research at mag-canvass muna upang makapili ng tamang sukat na aabot sa iyong budget.

Kung marami naman kayo sa bahay at nagluluto ka ng pagkain na pangmaramihan, pumili ka ng ref na may malaking freezer. Makakapagtabi ka dito ng ilang bagsak-presyong frozen goods na maaaring mong lutuin sa mga susunod na araw. Hindi mo pa kailangang mag-alala kung ito ay masisira agad.

Basahin ang article na ito upang malaman ang iba pang tips kung pano makapili ng ref na swak sa iyong pangangailangan.

Recommendations:

3. Rice Cooker

Hindi kumpleto ang kusina ng pamilyang Pilipino kung walang bigas, kaya naman hindi rin nawawala ang rice cooker sa mga tahanan. Ngunit, ano ba ang advantage ng pagkakaron ng rice cooker, at bakit mas pinipili ng iba na bumili nito kesa gumamit ng kaldero at kalan?

Una, mas madaling magluto sa rice cooker dahil hindi na kailangan pang bantayan ang sinaing hanggang maluto at maiwan ang pagsunog. Mas makakatipid ka sa bigas kung hindi ka na nasusunugan ng sinaing.

Ikalawa ay versatile ang ilang klase ng rice cooker. Maaari mo itong gamitin upang magluto ng iba pang klase ng putahe tulad ng soups at lugaw, hindi lamang kanin. Meron ding iba na may kasamang steaming basket. Pwede ka ditong mag-steam ng mga pagkaing tulad ng gulay, isda, siomai, siopao, at iba pa, kaya naman makakatipid ka sa kuryente at gas.

Recommendation:

4. Microwave 

Madalas na ginagamit ang microwave sa pag-iinit ng pagkain. Mas madali rin itong gamitin kumpara sa kalan, kaya naman pinipili ng iba na magluto dito. Kung madalas kang mag-init ng pagkain para sa iyo o para sa pamilya, nararapat lang na mag-invest ng magandang klase ng microwave.

Depende sa gamit at laki ng space ng kusina, maraming klase ng microwave ang available. Una ang countertop, over-the-range, at built-in microwaves. Ang countertop microwaves ay ang madalas mong ginagamit na nasa ibabaw lamang ng iyong kitchen countertop.

Magandang klase ang over-the-range at built-in dahil nafi-filter nito ang amoy ng iyong niluluto sa microwave, ngunit dahil kailangan nito ng professional installation, maaaring mapalaki ang iyong gastos.

Iba-iba din ang sukat ng microwave. Pumili ng size base sa available na space sa iyong kusina at kung gano karami o kalaki ang gusto mong iluto dito. Pagdating sa wattage, kung nais mo ng microwave na mabilis makapagluto ay kumuha ka ng may wattage na mas mataas sa 700 watts. Tandaan lang na may kamahalan ang ganitong klase.

Recommendations:


Smart Spending for Better Savings

Ang pagbili ng kitchen appliances ay magandang investment para sa iyong tahanan. Upang makuha ang value for your money, kailangan mo lamang pumili ng tama. Bukod sa specs ng appliance, pagbasihan din ang iyong budget at pangangailangan sa araw-araw.

Kung kailangan mo ng tulong upang makabili ng nararapat ng appliance, i-download lamang ang Cashalo app!

Bukod sa paga-apply ng appliance loan, makakatulong din ang Cashalo na mapagaan ang pagbabayad para dito gamit ang Shop Now, Pay Later.

Select your preferred kitchen appliances at any of Cashalo’s partner retail stores and enjoy installment payments today!