4 Tips Para Makatipid Ngayong Pasukan

 

Pasukan na naman! Excited na ang mga bata na bumalik sa school bitbit ang bago nilang bag, sapatos, at iba pang mga gamit. Samantala, stressed naman ang mga magulang, guardian, o breadwinner ng pamilya dahil sa napakaraming gastos lalo na pagdating sa tuition fees. Kailangan din ng budget for school uniforms, books, at iba pang daily essentials gaya ng baon o cash allowance.

Relax lang, mga kumare at kumpare! Meron namang simple, easy and effective ways para mas maging manageable para sa inyo ang school-related expenses.

Halimbawa, maraming schools ang maagang nagbibigay ng list of school supplies na kailangan para sa buong school year. Siguraduhin na mayroon na kayong kopya nito para ma-check kung anong items ang pwede ninyong mabili habang hindi pa mataas ang presyo sa Divisoria o malls. Isa rin itong paraan para makaiwas kayo sa pagbili ng mga gamit na di naman pala prescribed ng school.

Alam din namin na bilang magulang or guardian, ang goal ninyo ay maibigay ang lahat ng school needs ng inyong anak, kapatid, o kamag-anak nang hindi lumalagpas sa budget. Dahil sharing is caring, gusto naming magbahagi ng back-to-school financial tips para makatipid kayo sa pamimili ngayong pasukan.

  1. Mag-DIY o mag-recycle ng lumang school supplies

Hindi kailangang bumili ng brand-new supplies dahil pwede namang i-recycle ang school materials na nagamit o natira noong last academic year. Sa pag-re-recycle, hindi lang mababawasan ang gastos kundi magkakaroon din ng oras para sa parent-and-child (or sibling) bonding habang magkasama kayong nag-aayos para gawing mukhang bago ulit ang mga lumang kagamitan. Mabuti rin ang recycling para sa kapaligiran dahil nababawasan nito ang pagdami ng basurang mga itinatapon.

Isa pang wais tipid idea ang Do-It-Yourself (DIY) projects. Since may kamahalan ang school supplies, kailangan mo mag-improvise gamit ang materials na pangkaraniwan natatagpuan sa bahay (o kapitbahay!) ninyo. Mas madali rin i-personalize ang school supplies ng iyong anak o kapatid. Pwede mong i-customize ang design, kulay, o theme na nababagay sa gagamit nito.

Para may idea ka kung paano mag-DIY, narito ang ilang examples:

  • Yarn-bound notebook—Maghanda ng blank pages mula sa lumang notebooks, gunting o cutter, puncher, drawing pens para sa cover design, at yarn na magsisilbing binder ng notebook.
  • Drawstring backpack—Ang bagay na fabric o tela para rito ay ang mga tulad ng cotton dahil matibay ito na lalagyan ng personal and basic school items. Kailangan lamang dito ay ang basic sewing skills para makabuo ng drawstring bag.
  1. Bumili ng matibay na sapatos

Ang sapatos ang isa sa pinaka-madaling maluma na gamit ng mga estudyante dahil suot nila ito araw araw. Mas makabubuting bumili ng matibay na sapatos na maaring gamitin umulan man o umaraw. Tangkilikin ang sariling atin, bisitahin ang Marikina na kilala bilang shoe capital ng ating bansa para sa maganda at matibay na mga sapatos. Love local ika nga!

Wais tipid din ang bumili sa back-to-school sale promotions ng department stores. Mas madami ka ring mapagpipiliang payment options sa mga ganitong establishments, gaya ng installment shopping kahit wala kang credit card. Isa sa mga pwede mong lapitan ay ang Cashalo app. Available ito sa iba’t ibang stores tulad ng Robinsons Department Store.

Gamit ang Cashalo app, pwede kang mag-avail ng Cashacart loan kung saan hanggang P10,000 ang pwede mong ipamili at bayaran nang hulugan gamit ang Cashalo app at 0% interest.

Mabilis ang loan approval at mayroon itong as low as 0% installments —ilan lamang ito sa benefits na hatid ng Cashalo para tulungan kang makatipid ngayong pasukan.

  1. Maghanap ng secondhand books

Tipid technique rin ang paggamit ng secondhand books lalo na kung hindi required bumili ang mga estudyante ng mga bagong libro mula sa school. Maghanap ka lang sa social media gaya ng Facebook para madali kang makakita ng bookselling groups o book thrift shops na nagbebenta ng mga lumang libro pero in good condition pa rin.

Kung hindi maaari ang used books sa school ng iyong anak o kapatid, pwede kang dumiretso sa publisher, mag-request ng student discount, maghintay ng book sale events, o magtanong sa mumshies at beshies kung may alam silang socio-civic organizations na nagbibigay ng book subsidy sa deserving students.

  1. Gumamit ng reward cards

Kung hindi maiiwasan ang pagbili ng school items sa mall, pwede kang gumamit ng reward cards para mas lumiit ang halaga ng iyong cash out. Malaking tulong ang reward cards dahil pwede mo gamitin ang mga naipon na points para makapamili o magkaroon ng discounts sa iba’t ibang stores. Ilan sa mga ito ay ang Laking National Card mula sa National Bookstore. Kung used up na ang Laking National loyalty card points at short ang budget mo, available din ang Cashalo sa National Bookstore para makapag-shopping ka nang hulugan at hindi mabigat sa bulsa.

 

Maging Wais at Matipid

Mahalaga ang edukasyon, kaya importante na marunong mag-set ng priorities sa pamimili ng mga kagamitan sa school. I-check mabuti ang inyong shopping list at bilhin kung ano lang ang importante at abot kaya ng bulsa.

Kung talagang kapos sa budget, pwede kang mag-loan sa Cashalo. Mayroong cash loan options kung kailangan ninyo ng extra cash para sa pasukan, at may installment shopping options din para hindi masyadong mabigat sa bulsa ang pagbili ninyo ng mga kagamitan pang-school. I-download ang Cashalo sa App Store o Google Play!


READ THIS NEXT:

5 Fun Ways Para Turuan ang Iyong Anak ng Money Management

6 Easy-to-Make Merienda Housewives Can Sell for Extra Income