5 Fun Ways Para Turuan ang Iyong Anak ng Money Management

 

Mabuti para sa mga bata ang financial education. Malaking tulong ito para sa  kanilang kinabukasan. Pero hindi madaling magturo ng money management sa bata–kaya meron kaming mga light at fun ways na puwedeng gamitin ng mga magulang para ituro ang basic financial education sa kanilang mga anak.

1. Toys and games

Isang masayang paraan ng pagturo sa mga bata tungkol sa pera is through play. Kahit pa board games, online games, simulations, or simple toys, ang mga activities na na-e-enjoy ng bata ay makakapagbigay rin ng lessons tungkol sa pag-manage, pag-earn, at pag-gastos ng pera.

Ang mga toys katulad ng Piggy Bank, Cash Register, at Grocery Cart ay perfect for kids sa edad na 2–3 years old. Puwede kang magsimula ng game kung saan may tindahan ka at magsho-shopping ang anak mo sa store mo. Suklian mo ang anak mo, at magkuwenta ng sukli sa harap nila. Math lesson na din ‘yon!

For older kids, subukan ang board games like Monopoly, Game of Life, o Payday. Kung techy ang kids mo, may mga video games o mobile games kung saan kailangan nilang bumili ng items within the game para makabuo ng environment. Makakatulong ito sa pag-develop ng kanilang ability na magdesisyon, lalo na pagdating sa gastos. Matututo silang mag-ipon at mag-balanse ng pera para mabili ang mas malalaking items sa game.

Pwede ka ding maging creative with your own games gamit ng items na meron sa bahay.

2. Pumunta sa isang educational trip

Kapag sinasama mo mamasyal ang kids, opportunity ito para turuan sila mag-manage ng pera. Ang mga banks, grocery stores, at malls ay magbibigay sa kanila ng totoong experience with your guidance. Kapag weekends at may extra budget, puwede kayong magpunta sa KidZania kung saan mag-e-enjoy na sila, matutuo pa silang maghawak ng pera. Puwede mo rin silang i-enroll sa ilang summer classes for kids na nagtuturo ng financial education.

3. Mag-charitable work

Ang pagiging responsible sa pera with ay hindi lang tungkol sa pag-earn at pag-save nito. Kailangan ding matutunan ng mga bata na i-share ang kung anong meron sila sa mga nangangailangan. Mas maiintindihan nila na sa tamang panahon ay babalik din ang kanilang ikinontribute.

Sa birthday ng anak mo, puwede kayong mag-donate sa charity imbis na gumastos ng malaking pera para sa party. Make sure na bisitahin ang charity institution para makita niya kung ano ang kahulugan ng ginawa niyo at kung sinong makikinabang sa donation. Magandang learning experience ito kasi makikita niya mismo kung gaano siya ka-suwerte at ma-aappreciate niya yung kung ano man ang meron kayo.

4. Start a kiddie business

Kung may negosyo kayo, i-encourage mo ang mga anak mo na tumulong, lalo na kapag walang pasok o summer vacation. Dito, matututunan niya na ang pera ay hindi basta-basta nakukuha—pinagtatrabahuhan ito.

Puwede mo rin turuan ang anak mo kung paano pagkakitaan ang hobbies niya para bata pa lang siya, may experience na siya sa kung paano mag-negosyo. Mararamdaman pa niya yung sense of pride in making money sa tuwing makakabenta siya.

5. Magbigay ng allowance and at i-guide sila sa budget

Hindi na bago sa mga magulang na magbigay ng baon na pera o allowance sa kanilang mga anak, pero importante para sa magulang na magkaroon ng striktong guidelines sa kung magkano at para saan ang perang ito. Maaring gamitin ang allowance para matutunan nila ang money management sa murang edad pa lang.

Bago ibigay ang allowance, tanungin mo muna sila kung saan nila balak gastusin ang pera. Maari silang turuan to save a portion of their allowance. Hindi mo naman kailangan i-control kung saan mapupunta ang pera; iga-guide mo lang sila kung paano at kung bakit kailangan mag-ipon. Baka meron silang laruan na gustong bilhin o ibang bagay na kailangan nila sa school na gusto nilang pag-ipunan. Kapag binigyan mo sila ng freedom, matututo ang mga anak mong maging financially independent.


Conclusion

Habang bata pa sila, turuan natin ang ating mga anak na maging masinop sa pera. As their parent or guardian, nakasalalay sa iyo ang responsibilidad na ito. Ang sapat na financial knowledge ay makatutulong sa pag-solve ng money problems kung maranasan man nila ito—at maaring maiwasan nila ito kapag adults na sila.

Isa pang lesson na kailangan nilang matutunan is kung paano maging responsible money borrower or lender. Bata pa lang, dapat matutunan na nila na ang utang ay binabayaran sa tamang panahon at hindi dapat nangungutang kung hindi naman kailangan.

Kung talagang mangailangan sila, there are companies specializing in online lending in the Philippines that are available to them in case of any financial emergencies. With Cashalo, they can be assured of stress-free applications and fast approvals in the future – pero siyempre pag legal age na sila. Sa ngayon, sila mommy at daddy muna ang puwedeng mag-apply sa Cashalo.