Ano ang Loan Interest Rate at Paano ang Computation Nito?

Tuwing dadating ang petsa de peligro, madalas tayong napapa-isip kung aabot ba ang natitira nating pera hanggang sa nalalapit na payday. Kung anu-anong pagtitipid na ang ginagawa natin para lang maitawid ito. Pag minamalas ka pa, may unexpected gastos na kailangan bigyan ng pansin. Isa ito sa mga sitwasyon kung kalian kailangan mo talagang mag-loan para tustusan ang pangangailangan mo.

Kung ayaw mong manghiram sa mga kaibigan o kamag-anak, ang best option mo ay mag-download ng credit app tulad ng Cashalo para sa mas mabilis na approval. Pero dapat mong tandaan na may interest o tubo ang ganitong klase ng pag-loan. Kailangan mong maging responsable sa pagbayad nito, at kasama rito ang pag-intindi kung ano ang interest rates at papaano ito kino-compute.

 

Ano ang Interest at Interest Rate?

Sa tuwing ikaw ay naglo-loan, mapa-personal, car, or home loan man ito, kailangan mong bayaran ang halagang iyong hiniram plus ang interest. Pero, ano nga ba ang interest?

Kung bibigyan natin ng pinaka-simpleng kahulugan, ang interest o ang tubo ay ang fee na binabayaran pag ikaw ay gumagamit ng pera ng iba na kadalasan ay sa bangko o iba pang lending business. Sa pagbibigay ng loan, dito kumikita ang mga lenders, lalo na pag ito ay kanilang negosyo.

Ang interest ay maaari mong mabayaran sa pamamagitan ng pag-calculate ng interest rate na puwede mong hulugan kada pay period. And kadalasang pay period ay gingawa kada linggo, every two weeks, o kada buwan.

 

Ano ang Dalawang Paraan para Bayaran ang Interest?

Bilang borrower, may dalawa kang paraan para makabayad ng interest: ang simple at ang compound

  1. Simple Interest

Ang simple interest ay ang pinaka madali at pinaka common na paraan ng pagcompute ng total amount na kailangan mong babayaran sa loan mo. Nakukuha eto sa pamamagitan ng pag-multiply ng principal or amount ng pera na hiniram mo, ang interest rate, at ang loan term or ang duration ng iyong loan.

Ito ang formula: Principal x Simple Interest Rate x Duration of loan by period.

Nasa baba ang sample computation nito. Take note na ang simple interest ang kadalasang ginagamit sa auto loan at mga short-term loan.

  1. Compound Interest

Ang compound interest ay ang additional interest sa principal sum ng isang loan. O sa madaling salita, interest na ipinapataw sa interest. Ito ay resulta ng pagreinvest ng interest imbes na bayaran ito nang buo.

Pero dahil ang simple interest ang kadalasang gingamit, ito ang mas pagtutu-unan natin ng pansin.

 

Anong mga Factors na Nakakaapekto sa Halagang ng Interest na Binabayaran?

  • Principal Amount

Ito ang kabuuang halaga na gusto mong i-loan. Dapat isaalang-alang na hindi ito kasing simple ng paghiram ng gusto mong halaga. Kailangan mo ring isipin kung magkano ang kaya mong bayaran para hindi ka mabaon sa utang. Para mas madali mo ito gawan ng paraan, alamin ang budget mo kada linggo, buwan, o taon.

  • Loan Term

Ang loan term ay ang panahon na nakalaan para mabayaran ang kabuuan ng iyong loan. Mas maiksi yung panahon, mas malaki ang huhulugan mong bayad, pero mas maliit ang interest. Pag mahaba naman ang terms, ibig sabihin ay mas mababa ang monthly payments, pero mas mataas ang interest sa kabuuang term ng loan.

  • Repayment Schedule

Pag ikaw ay nagloan, may option ka hulugan ito kada linggo, kada suweldo every two weeks, o kaya ay kada buwan. Ang iyong repayment schedule ay dedepende sa’yong budgeting style. Tandaan, pag mas marami kang beses maghuhulog, mas mababa ang interest. Kaya kung weekly ang schedule ng hulog mo, mas makakatipid ka. Pero bago ka magcommit sa ganito kadalas na hulog, siguraduhing pasok ‘to sa budget mo.

  • Repayment Amount

Ang repayment amount ay ang babayaran mo pagkatapos mo mag-loan. Tuwing ikaw ay naghuhulog para bayaran ang iyong loan, hindi lahat ito ay napupunta sa pag-settle nito. May nakatalagang halaga na mapupunta sa pagbayad ng interest at ang matitira ay ibabawas sa principal amount.

  • Interest Rate

Ang interest rate ay ang halaga ng interest ng loan na kailangan bayaran sa naitakdang panahon. Ito ay proporsyon sa halaga na ni-loan, pinahiram, o dineposit na tinatawag ding principal sum.

 

Paano Nacocompute ang Interest Rate?

Ang simple interest ay makapagbigay ng isang basic na paraan para maintindihan kung papaano nagwo-work ang interest. Maaaring maging mas komplikado ang pag-compute ng interest sa mga tunay na loans o bank deposits, pero ang pagkakaintindi sa simple interest ay maaaring makatulong para magka-ideya ka kung magkano ang magiging halaga ng loan o magkano ang babayaran mo.

 

Sample Simple Annual Interest Calculation

Example 1.

Kung ikaw ay nag-loan ng halagang Php10,000 at ang terms ay may annual interest rate na 10%, ibig sabihin nito ang halaga ng loan mo ay 10% ng principal amount o perang hiniram mo. Kailangan mo itong bayaran pagkatapos ng 6 months.

Ang percentage na makukuha ay babayaran kasama nung principal amount sa napagkasunduang panahon.

Loan amount: Php 10,000

Months to pay: 6 months (kalahating taon o 0.5 years)

(Principal Amount) x (Interest Rate) x (Time) = Interest

(Php10,000) x (0.10) x (0.5) = Php500

(Principal) + (Interest) = Total Amount na Babayaran

(Php10,000) + (Php500) = Php10,500

 Php 10,500 ang total amount na babayaran mo.

Example 2.

Kung ikaw naman ay nag-loan ng halagang Php10,000 sa annual interest rate na 10%, at  may isang taon ka para mabayaran ang loan mo, ganito na ang magiging computation:

Loan amount: Php 10,000

Months to pay: 12 months (1 Taon)

(Principal Amount) x (Interest Rate) x (Time) = Interest

(Php10,000) x (0.10) x (1) = Php1000

(Principal) + (Interest) = Total Amount na Babayaran

(Php10,000) + (Php1,000) = Php11,000

 Php 11,000 ang magiging total amount na babayaran mo.

 


Conclusion

Sa mga oras ng emergency, malaking tulong ang mga bangko o digital lending services para punan ang kakulangang pinansiyal. Importanteng maintindihan ang interest at paano makuha ang amount para alam niyo kung paano ang andar ng pera, lalo na sa repayment ng loan.

Pag ikaw ay na-short sa budget, dito ka na sa Cashalo para sa mababang interest rates.

I-download na ang credit app ngayon para ready ka sa emergencies.