Cashalo vs. Credit Card: Which Should You Use to Buy Appliances

Malaking tulong ang home appliances para sa buong pamilya. Kaya tuwang-tuwa tayo kapag nananalo sa mga raflle o nakakatanggap ng regalo na pwedeng magamit sa bahay dahil hindi na natin ito kailangang bilhin. May kamahalan kasi ang presyo ng appliances, lalo na ang malalaking items gaya ng TV, refrigerator, o washing machine.

Pero nakakatulong ang mga apppliances sa bahay, kaya’t maganda rin na magpundar ka ng mga ito. Kung wala kang cash, pwede kang mag-swipe sa credit card o mag-avail ng appliance loan sa credit app gaya ng Cashalo. Halos pareho lang ang pag-gamit ng pay-by-installment ng credit card providers at ng Cashalo.

May ilang kaibahan lang ang dalawang credit options na ito, kaya mabuting ma-compare mo ang benefits nila bago ka bumili ng home appliances.

Option 1: Credit Card

Tinatawag din na plastic money and credit card dahil parang cash ito na pwede mong ipambayad para makabili ng appliances sa malls. Tuwing may bibilhin ka na naka-charge sa credit card mo, nababawasan ang credit limit mo. Para ma-replenish ang funds, kailangan mong maghulog ng minimum monthly payments.

Kadalasan, private commercial banks ang nag-i-issue ng credit card. Mataas ang chance mong mabigyan ng credit card ng isang bank kung may savings o payroll account ka sa kanila. Pwede mo rin naman subukan mag-apply ng credit card sa kahit anong bank—yun nga lang, medyo maraming requirements para maging qualified kang kumuha ng credit card.

Kasama sa evaluation process ng bank ang pag-check kung pasok ang sinesweldo mo sa kanilang sa minimum required annual income. Dahil dito, mas maganda sana kung lagpas sa minimum wage ang sweldo mo. Kailangan din na mag-submit ka ng identification at financial documents, at dapat maipasa mo ang credit o background check mula sa bank.

Mabilis na ang 3 hanggang 5 banking days sa pag-release ng result ng application mo. Pwede ring umabot ng 2 weeks ang hihintayin mo bago mo matanggap ang credit card.

Kung hindi ka naman ma-approve sa credit card application, pwede mong pakiusapan ang mga kaibigan o kamag-anak mo na maki-swipe sa credit card nila. Siguraduhin mo lang na mababayaran mo sila para sa ini-“ride” mong pang-shopping.

Option 2: Cashalo

Ang Cashalo ay isang financial technology platform o mobile app na magandang option kung kailangan mo ng mas mabilis at mas simpleng financing para sa shopping needs mo.

Para ka na rin may credit card sa pagiging Cashalo user. May perks kang makukuha gaya ng appliance loan benefit, kung saan sasagutin ng Cashalo ang funds mo pambili ng mga gamit sa bahay.

Gaya ng sa credit card, pwede mo bayaran ng installment sa Cashalo ang nabili mong appliances. Ang mas maganda pa, mabilis ang approval kumpara sa credit card. Sa katunayan, within 10 minutes approved ka na sa Cashalo. Flexible din ang payment terms dahil umaabot ng 9 months ang ibibigay na loan period sa iyo ng Cashalo.

As low as zero interest ang repayment mo kaya siguradong affordable para sa iyo. Kapag nakumpleto mo na ang pagbabayad sa loan, pwede ka ulit mag-qualify para sa panibagong loan. Wala ring hihingin na collateral sa iyo ang Cashalo kapalit ng cash appliance loan.

Hindi mo na kailangan dumaan sa mahigpit na application process o mag-submit ng maraming documents para magkaroon ng shopping money worth P2,000 to P19,999. Sa halagang ito, mabibili mo na ang kailangan mong appliances at electronics sa 250 retail partners ng Cashalo.

Pumunta lang sa Shop Now & Pay Later tab para makita ang basket financing feature ng Cashalo app at mag-apply ng appliance loan.


Paano Gamitin ang Cashalo Para Bumili ng Appliances?

Super simple lang ang steps para masimulan mo na ang paggamit ng Cashalo app at pag-avail ng benefits nito. Lahat ng steps na ito ay pwedeng pwede mo magawa gamit lang ang Cashalo app mo.

  • Step 1: I-download at i-install ang Cashalo app na available sa App Store o Google Play.
  • Step 2: Gumawa ng account para maging registered user ng Cashalo.
  • Step 3: I-click ang “Shop Now & Pay Later” tab at ang “Apply Now” button.
  • Step 4: Ilagay ang mga hinihinging detalye gaya ng total amount at repayment schedule na gusto mo (pwede kang pumili sa 3, 6, o 9 months na loan period).
  • Step 5: I-submit ang loan application at hintayin ang loan approval mo sa loob lang ng 10 minutes.

Ngayon, pwede mo na i-ready ang shopping cart mo para sa bibilhing appliances!


Cashalo Supports Smart Spending for Better Savings

Magandang mag-invest ng home appliances dahil very useful ang mga ito sa buong pamilya. Kailangan lang na ingatan ang mga gamit na ito para sulit ang halaga ng pagbili. Medyo magastos kasi ang pagpupundar ng kagamitan sa bahay.

Kaya maganda na may credit options ka galing sa Cashalo. Kung kulang ka sa cash, pwede ka pa rin makabili ng appliances through installment shopping kahit wala kang sariling credit card.

Sa “Shop Now & Pay Later” offer ng Cashalo app, magagawa mo nang mag-shop ng dream appliances na kukumpleto sa bahay mo!

I-download ang Cashalo app para simulan ang loan application process.

READ THIS NEXT: How to Shop Cashless Without A Credit Card