Mahal Magkasakit: The Cost of Healthcare in the Philippines

Walang pinipiling panahon ang mga aksidente o medical emergency. Ang masaklap pa nito, madals na mahal ang pagpapakonsulta sa doktor o ang pagpapatingin at pagpapagamot sa ospital. Bukod pa rito ay mataas din ang presyo ng mga gamot at medical services. 

Ayon sa isang pagaaral, noong 2018 ay gumastos ang bawat Pilipino ng mahighit P7,496 para sa healthcare services. Sa kabuuan na P799.1 billion, 34% o P260.6 billion lang ang sinagot ng government schemes at compulsory contributory healthcare tulad ng PhilHealth. 

Pinakamalaking porsyento ng gastos (53.9%) ay sagot ng out-of-pocket payment, na katumbas ng P413 billion. Nakadadagdag din sa hirap ang pagbili ng gamot. Ayon sa Ulat ng Bayan September Report na isinagawa ng Pulse Asia noong 2019, 99% ng mga Filipino ay hindi bumibili ng kumpletong reseta ng gamot dahil sa mahal ng presyo nito. 

The Cost of Healthcare in the PhilippinesMas maigi nang maging handa sa medical emergencies. Upang mas maunawaan ang bigat ng medical care sa bulsa ng ordinaryong Pilipino, nakatala sa baba ang ilang mga aspeto ng healthcare at ang average costs nito. Tandaan na ito ay mga estimates lamang, at maaring maiba ang mga presyo nito depende sa ospital, clinic, o diagnostic center na iyong napili.

Outpatient Care

  • Common Outpatient Illnesses

Ayon sa pag-aaral, ang common na outpatient illnesses sa Pilipinas ay Acute Respiratory Infection, allergies, asthma, diabetes, diarrhea o gastroenteritis, dengue fever, hypertension, sprains and strains, urinary tract infection, at viral infection. 

Ito ang mga gastos na kailangan para magamot ang mga sakit na ito:

Outpatient Services

Average Cost

Physician’s Fee P300–600
Specialist’s Fee P800–1,000
Antibiotics (per 100s) P445–1,500
Painkillers (per 100s) P300–1,000
Other medicines P51,578 (per annum)
Medical supplies (Gauze, splint, cotton, atbp.) P108 (per annum)
  • Common Outpatient Procedures

Upang makabuo ng mas wastong diagnosis ang doktor, kailangang magpagawa ng outpatient procedure or lab tests ang isang pasyente. Ang mga procedure na kailangan ay depende sa klase ng sakit at mga sintomas na nararamdaman ng pasyente. 

Bukod sa medical emergencies, pinapagawa ang procedures na ito para rin sa mga ibang rason, tulad ng pre-employment requirements, annual physical exams, at travel requirements.

Outpatient Procedures

Average Cost

Chest X-ray (PA Lateral) P365
Electrocardiogram P390
Echocardiogram (2D Doppler) P3,120
Mammography P1,070
Prostate (Transabdominal) Ultrasound P910
Transvaginal Ultrasound (TVUS) P1,270
CT Scan – cervical spine P4,175
MRI – cervical spine, plain P6,325
MRI – lumbar-sacral spine, plain P6,325
Pap smear P225
Regular hemodialysis

  • First session (with dialyzer)
  • Succeeding sessions
P4,500P3,000
Colonoscopy (with sedation) P6,960
Urinalysis P200
Fecalysis P200–390

Hospital Admission at Inpatient Services

Minsan, depende sa diagnosis ng doctor, ay kailangan ma-admit ang pasyente sa ospital. Madalas ito ay dahil kinakailangan nila ng specialized services, pagbabantay, o pag-aalaga na naibibigay lang sa ospital. 

Required ang hospital admission para sa mga kumplikadong procedure, tulad ng surgery at childbirth, upang ma-obserbahan ang kundisyon ng pasyente bago at pagkatapos ng procedure. 

Healthcare Services

Average Cost

Hospital stay P2,500/night
Inpatient care P2,181 (per annum)

 Hiwalay pa rito ang posibleng dagdag na gastos sa iba pang procedures at equipment use, depende sa payo ng iyong doktor.


Read this related article: How Much Does It Cost to Have a Baby in the Philippines?


Emergency Room Visit

Ang mga di inaasahang conditions tulad ng stroke at heart attack o aksidente ay nangangailangan ng immediate medical attention. Sa mga sitwasyon’ng ganito, kailangan mo agad pumunta sa emergency room ng ospital.

Healthcare Services Average Cost
Emergency room visit P2,500

Bukod sa konsultasyon, kasama rin sa singil ng emergency room ang presyo ng gamot, medical supplies, at equipment na ginamit upang magamot ang iyong health emergency. 

Iba Pang Health Expenses

Kung ikaw ay isang regular employee, kasama sa mandatory government contributions na kinakaltas sa iyong sahod ang PhilHealth. Ito ay ang universal health insurance program ng gubyerno na kino-cover ang iba’t-ibang klaseng medical expenses. 

Hiwalay pa rito ang Health Maintenance Organizations (HMOs) na nagbibigay ng exclusive healthcare insurance sa kanilang mga members. Kadalasan, ang HMO coverage ay binibigay ng private companies sa kanilang mga empleyado, bukod pa sa kanilang PhilHealth contributions. 

Iba pa rin ang private health insurance na pwedeng mong ma-avail sa iba pang insurance providers. Tandaan lang na ang premiums nito ay mas malaki kumpara sa HMO dahil mas malawak ang scope of benefits nito.

Insurance Type Average Cost
PhilHealth insurance plan P2,400–3,600
HMO coverage P10,000–60,000 (per annum)
Private insurance coverage Minimum P40,000 (per annum)

 

Mamuhunan sa Iyong Kalusugan

Isa lang ang pagkakataon nating mabuhay, kaya mahalaga na alagaan ang iyong katawan at panatilihin ang iyong kalusugan. Hangga’t maaari ay iwasan ang magkasakit sa pamamagitan ng tamang pagkain at regular na page-exercise. 

Hindi natin masasabi kung kailan mangyayari ang isang aksidente o health emergency na maaaring kailangang gastusan ng malaki, kaya mas maigi na maging handa.

Sa mga panahong tulad nito, andito ang Cashalo upang makatulong sa iyo. Mula sa financial tips na sakto upang makaipon ng emergency fund, hanggang sa pagbigay ng tulong pinansyal para sa iyong emergency needs, may kasalo ka sa Cashalo. 


I-download na ang Cashalo Credit Finance App!