How to Book Flights Without A Credit or Debit Card

Naranasan mo ba ang hassle sa pagbili ng airline tickets dati? Super hirap talaga ang sistema nung wala pang internet, dahil kailangan mo pumunta sa ticketing office ng airline o travel agency para mag-book at bumili ng plane ticket.

Pero iba na ngayon, dahil napaka-convenient mag-book ng flights. Lahat ng kailangan mo sa pagtra-travel available na online. Kabilang dito ang listahan ng available flights, booking forms, at payment systems para sa debit o credit card. Salamat sa FinTech innovations, may iba’t-ibang paraan na para mag book ng flights online and magbayad kahit wala kang credit or debit card.

Napaka-laking tulong talaga ng mga teknolohiyang ito kasi 77% ng mga Pilipino ay walang savings account. Alamin kung ano ang ibang alternatives para maka-book ng flights online na hindi gumagamit ng debit o credit card galing sa bank.

 

6 Ways You Can Pay For Your Flights Online Without A Credit or Debit Card

  1. Credit App

Kung may Cashalo credit app ang phone mo, mabilis kang makakapag-book ng local flights sa Cebu Pacific. Pahihiramin ka ng credit app company ng travel loan na pwede mong magamit pambili ng flight tickets.

Mabilis ang loan application process na karaniwang inaabot lang ng ilang oras pagkatapos mo mag-apply ng loan. Dahil dito, siguradong makakahanap ka agad ng good deals at seat sale promos  ng Cebu Pacific. Installment ang magiging pagbabayad mo sa credit app company kaya Fly Now & Pay Later ang tawag dito.

Available ang Fly Now & Pay Later option sa credit app ng Cashalo. Pwede mong i-download ang Cashalo app sa App Store o Google Play.

  1. Over-the-counter Bank Payments

Isa ang over-the-counter bank payments sa pinaka-safe at secure na payment methods para sa flight bookings at iba pang klase ng online purchases.

Kung nakagawa ka na ng online flight booking at meron ka ng ready cash pambayad ng ticket, pwede kang pumunta sa kahit anong bank para i-submit ang cash payment mo.

Kailangan mo lang isulat sa bank deposit slip ang mahahalagang detalye gaya ng account name, account number, halaga ng babayaran, at ang reference number ng nagawang online booking.

Real-time ang pag-process ng payment mo, kaya confirmed na agad ang binayarang flight booking.

  1. Neighborhood Payment Centers

Ang payment centers ay may special machines at software na nagsisilbing payment channel para sa iba’t ibang klase ng billers, kasama na ang airlines at travel agencies.

Maraming branches ng 7-Eleven, Bayad Center, Cebuana Lhuillier, LBC, at iba pang payment centers ang nasa loob at labas ng Maynila kaya hindi ka mahihirapan maghanap ng payment facility na malapit sa iyo.

Para makapagbayad, dapat alam mo ang account number ng biller at ang reference number para sa ginawa mong online booking. Magre-reflect ang bayad mo sa loob ng ilang oras o ilang araw, depende sa system ng biller mo.

  1. Digital Wallets

Ang digital o virtual wallets na tinatawag ay downloadable mobile apps na pwede mong lagyan ng load o credit. Once mag-download ka ng digital wallet app sa phone mo, magkakaroon ka ng sarili mong account number. Itong account number na ito ang ibibigay mo sa designated top-up centers para makabili ng load.

Convenient ang pagkakaroon ng digital wallet dahil halos pareho ang konsepto nito sa credit o debit card. Ibig sabihin, basta may lamang funds ang virtual wallet mo, pwede mo na itong ipambayad sa flight bookings at online shopping sites.

  1. Bills Payment Apps

Meron ding apps na cash ang ginagamit para sa online bills payment. Kung madalas kang pumupunta sa 7-Eleven Stores, makikita mo ang CLiQQ kiosks na pwede mo gamitin para ilagay ang payment details gaya ng account number at halagang babayaran mo. Mag-gegenerate ang app ng barcode na kailangan mo i-present sa cashier para ma-scan, kasama ang bayad mo.

  1. Online Payment Gateways

Online payment gateways ang tawag sa third-party providers na tumatanggap ng pera para magsilbing tulay sa pagitan ng customer at seller. Hindi kasi lahat ng online businesses ay may sapat na technology kaya gumagamit sila ng payment gateways para magsilbing payment collection system.

Kung nagtratrabaho ka bilang freelancer, posible na meron kang PayPal account kung saan pinapadala ng iyong mga kliyente ang bayad sa ginawa mong trabaho para sa kanila. Sa sitwasyong ito, pwede mo ring gamitin ang PayPal payment gateway para makarating ang bayad mo sa seller, biller, o merchant na mag-i-issue ng flight tickets mo.


No Credit or Debit Card? No Problem!

Maraming bagay ang pwede nang mabili online, kasama na dito ang airline tickets. At dahil sa power ng modern technology, meron na ring credit app para siguradong makakabayad ka sa local flight bookings mo with Cebu Pacific kung sakaling wala kang debit o credit card na magamit.

Kaya i-ready mo na ang travel plans mo! Mag Fly Now & Pay Later gamit ang Cashalo!