Kailan Okay Gumastos Nang Walang Pagsisisi?

Lahat tayo ay nagsisikap na mabayaran ang ating mga bills, makapag-ipon, at maka-ahon sa buhay, kaya naman minsan medyo nakaka-guilty gumastos nang malaki para sa ating sarili. Pero hindi rin naman masamang i-treat ang sarili mo paminsan-minsan. Hayaan mo itong magsilbing reward mo para sa’yong sarili buhat ng iyong hard work.

Ito man ay travel expense, bagong gadget, o simpleng pagkain sa labas, ang importante ay alam mo kung kailan ka puwedeng mag-splurge para maiwasan ang buyer’s remorse o panghihinayang.

Ang isang splurge ay posibleng humantong sa patung-patong na impulsive spendings. Maging wais sa iyong mga pinanggagastusan at sa iba mo pang mga financial decisions. Mayroon kaming tips mula sa Cashalo kung kailan okay lang gumastos nang walang pagsisisi:

  1. Kapag para sa isang memorable experience

Napag-isipan mo na bang gumastos sa mga bagay na makapagbibigay ng magagandang memories—tulad ng travel adventure o umattend ng concert kasama ang ‘yong mga kaibigan—pero hindi mo masiguro kung itutuloy mo ba o hindi?

Ito ay magandang halimbawa kung kailan okay lang na pagbigyan mo ang sarili mong gumastos. Kung tutuusin, mga memorable experiences o priceless moments ang binabayaran mo sa mga ganitong pagkakataon. Hindi mo mararamdaman ang gastos lalo na kung kasama mo ang iyong loved ones at may maibabaon kang magagandang alaala na panghabambuhay.

  1. Kapag para sa item na matagal mong gagamitin

Ang kotse, TV, at laptop o smartphone, ay ilan lamang sa mga karaniwang item na madalas lubos na pinag-iisipan ng mga taong bilhin pero considered na luho ng iba. Pagdating sa mga ganitong bagay, okay lang na mag-splurge basta’t pangmatagalan mo naman silang mapakikinabangan.

Pag-isipan mo kung ilang beses at gaano katagal mong magagamit ang anumang bagay na gusto mong pagkagastusan. Halimbawa, sa pagbili ng bagong laptop, madalas mo bang magagamit ito for both work and personal use? Maayos ba ang quality product nito at siguradong pangmatagalan? Mainam na timbangin muna kung sulit ang presyong babayaran mo bago ka mag-decide na gumastos.

  1. Kapag pinag-ipunan mo in advance

Sabihin na nating may pinag-iisipan kang bilhin pero hindi mo ito ma-justify, puwede mo itong pag-ipunan in advance para hindi mo maramdaman ang bigat ng gastos. Ito man ay wants (camera, gaming console, etc.) o needs (new couch, own house, etc.), kung nakapaglaan ka naman ng budget o fund para dito, walang problema kung itutuloy mo ang pagbili. Pagdating sa ganitong expenses, hindi gaanong maa-apektuhan ang iyong pang-araw-araw na budget dahil may naitabi ka nang pera para dito. Sa madaling salita, hindi ka masyadong magi-guilty mag-splurge.

  1. Kung investment para sa long-term plans

Pagbigyan mo ang sarili mong gumastos para sa ‘yong long-term plans, tulad ng bahay, insurance, investments, online classes, at iba pa. Sa katunayan, maituturing na smart move kung balak mong mag-splurge sa mga online classes para sa career growth o development dahil mas maraming magagandang opportunities ang posibleng bumukas para sa’yo. Isa pa, worth it mag-splurge kung ito ay investments na makatutulong sa seguridad ng future mo at ng iyong buong pamilya.

  1. Kung may savings at emergency fund ka na

Kung nagawa mo nang maglaan ng sapat na pera para sa iyong savings at emergency funds, di hamak na mas libre ka nang mag-splurge dahil handa ka na financially sa panahon ng kagipitan o anumang emergency.

Wag mag-compromise pagdating sa iyong financial goals para sa mga gastusing hindi pa naman talaga kinakailangan o hindi mo pa afford. Siguraduhin mo munang may emergency fund ka na sapat hanggang anim na buwan mong expenses. Sa ganitong paraan, hindi maaapektuhan ang savings mo at wala kang pagsisisihan.

  1. Kung nakatutulong ka sa ibang tao o organization

May mas sasarap pa ba sa pakiramdam ng self reward? Oo naman — iyon ay ang makatulong sa iba. Ayon sa isang pagsusuri, ang pagiging matulungin sa kapwa ay mas nakapagbibigay-saya sa atin dahil sa oxytocin—isang hormone na nakapagpapababa ng stress at bumubuo ng positive feelings sa isang tao. Ang oxytocin level ng katawan mo ay tumataas sa tuwing nakakaramdam ka ng real connection mula sa kapwa. Kaya naman napakaluwag sa kalooban ang paglabas ng pera tuwing nakikita mong masaya ang iyong mga natutulungan. Mas malalim pa ang tuwa na nararamdaman mo ‘pag laan sa iba ang iyong gastos kaysa pansarili.


Ang buyer’s remorse o shopper’s guilt ay nararamdaman ninuman, kung kaya’t importanteng maging responsable ka sa pagmanage ng iyong pera. Bigyan mo ang sarili mo ng oras para pag-isipan at pag-planuhan ang iyong splurges. Kung ikaw ay gagastos, siguraduhing mapupunta ito sa mga bagay na makapagpapasaya sa’yo at mapakikinabangan mo nang matagal. Dito mo mararamdaman na worth it ang kinaratingan nang pinahirapan mo.

Para sa ibang gastusin o pandagdag sa iyong indulgences, wag mahiyang lumapit sa Cashalo! Isang valid I.D. lang ang kailangan mo para makakuha ng loan. Kapag approved ka na, matatanggap mo ang iyong cash in 30 minutes. Sa Cashalo, sobrang dali mag-loan ng cash in minutes sa Philippines!