Mga Posibleng Pagkakitaan sa loob ng ECQ o MECQ

Naghahanap ka ba ng extra income o dagdag na pagkakakitaan sa loob ng ECQ at modified ECQ? Ito ang ilang mga simpleng negosyo na pwede ninyong simulan sa mababang puhunan:

Home-made Food o Home-cooked Meals

Habang ipinagbabawal pa ang pagpunta sa mga kainan, maaari ninyong diskartehan ang food delivery business. Kung may lutong bahay specialties kayo gaya ng caldereta, sisig, kare-kare at iba pang mga sikat na putahe, ay maaari ninyo itong ibenta sa mga kapitbahay at kakilala ninyo. Gamitin ang social media upang i-share ang inyong menu at kumuha ng customers.

Pasa-BUY ng Groceries

Bilang hinihikayat tayong iwasan ang paglabas ng bahay, maaari ninyong alukin ang mga nakatira sa inyong komunidad na magpasabay na lang sa pagbili ninyo ng groceries. Ipaalam ang schedule ninyo sa pagpunta sa supermarket at mag-charge lang ng “pasabuy” fee bilang tip sa pagpapasabay ng mga bilihin.

Fruits and Vegetables Delivery

Kung kayo ay may pwesto sa palengke o may kilalang mga supplier ng gulay at prutas, diskartehan ang fresh fruits & vegetables delivery. I-text ang inyong mga suki o mag-post sa social media upang ipagpaalam na mayroon na kayong delivery service para sa inyong mga paninda.

Tayong mga Pilipino ay sadyang matatag at maparaan. Kahit nasa gitna man ng krisis, hindi tayo mawawalan ng determinasyon sa paghahanap-buhay. Lagi lang tandaan ang pagsunod sa social distancing rules at proper hygiene upang manatiling ligtas at malusog!