Paano Maging Handa Ngayong Tag-Ulan

Hanggang ngayon ay ramdam pa rin ng maraming Pilipino ang naging epekto ng bagyong Yolanda, hindi lamang sa mga nabiktima nito sa Tacloban, pati na rin sa iba’t ibang lugar sa bansa, kahit na limang taon na ang lumipas mula nang mangyari ‘to.

Maraming iba’t ibang dahilan kung bakit nagiging destructive ang epekto ng tag-ulan sa ordinaryong mamamayan. Gayunpaman, mas mainam pa rin na maghanda lalo na ngayong tag-ulan.

Kumuha ng karagdagang tulong pinansyal para makapaghanda sa mga posibleng bagyo na pumasok sa bansa. Isang paraan ay i-download ang Cashalo app para makakuha ng extra cash na maari mong gamiting panggastos sa ilang paghahanda tulad ng mga sumusunod.

Mga Dapat Ayusin Para sa Tag-ulan

Dahil idineklara na ng PAGASA ang rainy season, i-examine na ang iyong bahay at gawin ang mga nararapat na repairs kung may makita kang sira o unstable parts. Ang ilang importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin ay ang mga sumusunod:

  • Bubong: Inspeksyunin ang bubong ng inyong bahay at takpan ang mga butas o loose shingles. Maari ring maghanda ng ilang containers tulad ng timba o balde para saluhin ang leaks sa oras na umulan, ngunit hindi ito recommended na gawin nang pangmatagalan dahil maaring tuluyang masira ang inyong bubungan kung hahayaan lang ang butas.
  • Gutter and pipe system: Nasa bubungan din ng inyong bahay ang gutter at pipe system na sumasalo ng tubig-ulan para idiretso sa drainage system. Mahalagang malinis ang iyong gutter dahil ang mga nakaharang na debris ay maaaring pagmulan ng problema sa pagdaloy ng tubig. Tulad ng bubong, maari ring mabutas ang gutter at pipes, nararapat lamang na i-check at i-repair din ang mga ito habang maaga.
  • Walkway and driveway: Inspeksyunin din ang concrete walls ng iyong bahay at driveway. Kung may cracks na makita, takpan agad ito ng concrete filler.

Mga Dapat Ihanda

Bukod sa pag-reinforce ng iyong bahay, huwag ding kalimutan na maghanda ng emergency kit na maari mong magamit sa panahon ng sakuna. Ang emergency kit ay dapat may kasamang:

  • First-aid kits, kasama ang gamot at vitamins
  • Flashlight at batteries kung sakaling magka-brownout
  • Kandila at posporo na pwede ring source ng liwanag
  • Bottled water (maghanda ng tig-isang gallon ng drinking water sa bawat isang tao sa pamilya na maari nilang inumin sa magdamag)
  • Canned goods, biskwit, chocolate, instant noodles at iba pang pagkain na madaling ihanda
  • Mga damit at kumot
  • Plastic o ibang container na hindi madaling pasukin ng tubig, kung saan pwedeng itabi ang mahahalagang dokumento
  • Transmitter radio upang updated ka sa galaw ng bagyo
  • Listahan ng emergency numbers na maaaring tawagan o i-text

Mga Sakit Na Dapat Iwasan

Bukod sa kalamidad, maraming sakit ang nauuso tuwing panahon ng tag-ulan. Maging handa rin sa mga sakit tulad ng mga sumusunod.

1. Influenza

Mahinang respiratory system ang naapektuhan ng viral infection na ito. Maaring mahawa ang isang tao kung magkaron siya ng contact sa taong may Influenza.

Ang mga simtomas ng Influenza ay:

  • Lagnat na umaabot ng 38°C
  • Sakit ng ulo
  • Runny nose na may kasamang sore throat
  • Pag-ubo
  • Muscle at joint pains

Maaring maiwasan ang Influenza sa pamamagitan ng:

  • Pagtakip ng bibig at ilong kapag sumisinga o umuubo
  • Madalas na paghuhugas ng kamay
  • Pagpapabakuna kada taon

2. Leptospirosis

Ang bacterial infection na ito ay maaaring makuha sa pag-inom ng tubig na kontaminado ng dumi ng daga at iba pang rodents. Maaari rin itong pumasok sa sistema ng taong may sugat na hindi pa magaling, o sa mata, bibig, at sinus.

Ang common symptoms ay lagnat at sakit ng katawan at ulo. Ngunit, sa mga mas malalalang kaso kung saan ay naapektuhan ang liver, brain, or kidney, maari ring lumabas ang mga sumusunod:

  • Paninilaw ng katawan
  • Hindi malinaw na ihi
  • Madalang na pag-ihi

Maiiwasan ang Leptospirosis sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Iwasan ang paglangoy sa maruming tubig
  • Pag-gamit ng bota at gloves kung kailangang dumaan sa tubig-baha
  • Ugaliing maglinis ng bahay ng mabawasan o maiwasan ang pagdami ng daga

3. Dengue

Ang kaso ng Dengue ay tumataas tuwing tag-ulan dahil sa mga naiipong stagnant water mula sa tubig-ulan. Ang nakamamatay na sakit na ito ay nakukuha mula sa kagat ng isang Aedes mosquito. Ilang paraan upang maiwasan ito ay ang mga sumusunod.

  • Takpan ang balde, timba, at drum ng tubig na madalas na breeding ground ng lamok
  • Kung may vase sa bahay, ugaliing palitan ang tubig nito every week; linisin din ang mga lalagyan ng tubig
  • Tanggalin ang mga dahon at ibang debris sa gutter upang hindi maipon ang tubig-ulan
  • Itapon ang cans, jars, at bottles na hindi ginagamit

Be Always Prepared

Taun-taon ay dinaraanan ang bansa ng maraming ulan at bagyo. Nararapat lamang na maghanda ang bawat Pilipino sa panahong ito. Bukod sa paghahanda ng emergency kit at iba pang mga gamit na makakatulong sa iyong survival, mahalaga din na alamin ang lagay ng iyong mga mahal sa buhay. Kung hindi mo man sila kasama sa gitna ng masamang panahon, siguraduhin lamang na sila ay nasa mabuting lagay.

Marami ka bang kailangang ayusin sa bahay ngayong tag-ulan? Andiyan ang Cashalo upang bigyan ka ng swak na financial tips at extra cash ngayon rainy season!

READ NEXT:

Paano Dapat Pag-usapan ng Mag-Asawa ang Pera?

Home Appliances That Cost the Most on Your Electricity Bill