#UsapangCredit: Credit Scores

Naranasan niyo na bang hindi maaprubahan sa isang credit card application? O kaya naman sa isang loan para sa binabalak niyong negosyo? Isa sa mga posibleng dahilan ay ang iyong credit score.

Ang credit score ay isang three-digit number na pinapakita kung tayo ba ay creditworthy— o ang kakayanan natin na magbayad ng utang na nanggagaling sa impormasyon mula sa ating credit report. Ang ating credit report ay isang record ng lahat ng financial transactions natin (credit card bills, loans, at utility bills), pati na ang mga hindi natin nabayaran sa tamang oras.

Napaka-importante na magkaroon ng magandang credit score. Hindi natin alam pero malaking parte ito ng kinabukasan natin dahil nakakaapekto ito sa pag-aapruba ng credit card applications, sa pagkakaroon ng mababang interes sa mga loans, sa pag-upa ng mga property, sa insurance premiums, at marami pang iba.

Ang Credit Information Corporation (CIC) at ang mga accredited credit bureaus nito ang nangogolekta ng credit data para sa ating mga credit report at mga credit scores dito sa Pilipinas.

Paano nga ba pagandahin ang ating credit score?

  • Magbayad ng bills sa tamang oras. Hindi lang sa credit card bills pero pati na din mga utility bills tulad ng kuryente, tubig, gasolina, internet, o mobile phone.
  • Umiwas sa pag-abuso ng credit cards. Mas madaling bumili gamit ng credit cards, pero maging wais sa paggamit nito at iwasan ang pag-max out dito.
  • Maging wais sa pag-apply ng credit card. Pinapakita ng iyong credit report ang iyong credit card applications, kaya maging wais sa pag-apply ng credit card at mag-apply lang kung talagang kailangan.
  • Mag-apply sa mga maliliit na loan. Kung nagsismula ka pa lang sa paggawa ng iyong credit history (tandaan na aabutin ng anim na buwan bago bumuo ng credit score) ay magandang mag-apply sa mga digital lenders tulad ng Cashalo na merong maliliit na digital loans. Mas madali at mas mabilis kang makakabayad ng utang na maganda para sa credit score.

Tandaan: Balansehin ang paggamit ng pera at credit at wag madala sa takot sa debt. Maging wais sa paggamit ng credit cards at loans, dahil lahat ng ito ay makakatulong para sa magandang credit history na para din sa kinabukasan natin.