#UsapangUtang: Digital Loans

Naranasan niyo na bang maging gipit sa pera? Sa panahon ng pangagailangan, madalas ay sa loan o utang ang takbuhan. At dahil na din sa modernong teknolohiya ay meron ng mas madaling paraan para humiram ng pera – ang digital loans.

Kahit na siguro ay may maayos tayong trabaho o pinagkakakitaan ay alam natin ang pakiramdam pag nangangailangan ng extrang pera—lalo na sa panahon ng kagipitan. Tulad na lang ng sobrang bayarin sa bahay, gamot sa biglaang sakit, bills sa pagka-ospital, pagkukumpuni ng mga sira sa bahay, o iba pang hindi inaasahang gastusin.

Ang loan ay ang paghihiram ng isang borrower/nangugutang ng pera mula sa  isang lender/nagpapautang, na binabayaran pagkatapos ng sapat na panahon depende sa kasunduan niyo ng lender/nagpapautang. Madalas, may singil itong interes.

Pag kumukuha tayo ng pormal na loan ay kailangan nating mag-prisinta ng iba’t-ibang papeles at dumaan sa mahabang proseso bilang patunay sa kakayahan nating magbayad, at hindi ito madaling gawin para sa karamihan ng Pinoy. Kaya dito na pumapasok ang mga digital loans na tila lutas sa mga problema na ito.

Ang digital loans ay katulad din ng regular na loan, ngunit dahil sa modernong teknolohiyang nakaakibat dito ay pwedeng-pwede na tayong humiram ng pera mula sa mga digital lenders na website o mobile application sa mas mabilis at mas madaling paraan.  Inaalok din ang digital loans sa mas abot-kayang halaga kung ikukumpara sa mga bangko dahil dinisenyo ito para sa masa. Hindi na din natin kailangan mag-alalala sa madaming papeles at mahabang proseso dahil ito’y “paperless” at walang collateral. Ang mga kinakailangan ay sa website at app na ilalagay.

Ang iba pang benepisyo ng digital loans ay:

  • Madaling proseso ng pag-apply at pwedeng gawin kahit saan. Maasahan ding mananatiling pribado ang impormasyong
  • Mabilis ang approval time at ang paglipat ng pera sa iyong bank account.
  • Magagamit 24/7, kaya pinakanirerekomenda ito sa panahon ng kagipitan.
  • Abot-kaya ang interes.

Ibang klase talaga ang modernong teknolohiya! Ang mga produkto nito ay nakakatulong sa madaming Pilipino. Pero tandaan – maging wais sa pagpili ng digital lender. Sa Cashalo, pwedeng-pwede ka makakuha ng digital loans sa mas madali at mas madaling paraan.